Rufa Mae’s sabaw interview with Aling Vicky

Rufa Mae’s sabaw interview with Aling Vicky


Photos by Melo Balingit

By happenstance, Pikapika found comedian Rufa Mae Quinto and Viva Films in-house associate producer Hermie Go in one room and we decided to ask Rufa Mae if she can interview her Tita Hermie for us. And she agreed! They go a long way back, after all.

Hermie Go, as many of you know by now, is the viral sensation Aling Vicky (who is actually not Aling Vicky).

Early March this year no’ng kumalat sa Internet ang isang funny film clip kung saan may pinapakitang isang batang lalaking kumukuha ng atensyon ng isang grupo ng mga babaeng

nagma-mahjong sa pamamagitan ng pagsigaw ng “Aling Vicky! Aling Vicky! Ang anak n’yo po nahulog sa imburnal."

One of the lady onlookers responded quickly at sumama sa bata. Pero hindi nagtagal ay bumalik din ito agad sa madyungan nang maalalang hindi pala siya si Aling Vicky.

Sabaw o lutang moment ang popular na tawag ngayon sa taong kagaya ng bit-player character na iyon ni Hermie Go.

At bagamat hindi nga Aling Vicky ang pangalan niya sa naturang video, ay sadyang tumatak na ito kay Hermie Go. In fact, nag-spawned pa ito ng libro, published by VRJ Publishing, called Mga K’wentong Sabaw ni Aling Vicky!, which is marketed as the book of the “Pambansang Aleng Lutang na si Aling Vicky!”

Ang nasabing film clip, by the way, ang galing sa 2001 Viva Films movie, Baliktaran: Si Ace at si Daisy, that starred Rufa Mae Quinto and Bayani Agbayani. Pero hindi naman ito ang first time na pagka-cameo ni Hermie Go sa mga pelikula ng Viva Films. In fact, may short roles din siya sa Luck at First Sight, Camp Sawi, The Day After Valentine’s, at nito lang huli ay sa Miss Granny. 

Pero dahil Rufa Mae and “Aling Vicky” go back a long way, hindi nagdalawang-isip si Rufa Mae na paunlakan ang hiling ng Pikapika na tsikahin ang viral sensation, at hindi rin naman nagdalawang-isip ang “beshie” niyang si Tita Hermie na paunlakan siya.

Kaya heto ang sabaw interbyuhan at pagbabalik-tanaw ng dalawang baliw-baliwang magkaibigan.
 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.